Photos from different media network
Pray For The Philippines
In my late reaction on what happened in my homeland
Philippines. A super typhoon Yolanda strikes Visayas Region in our country, at
sadyang nakakalungkot ang trahedyang nangyari
lalo na sa Tacloban City. At parang automatic na tumutulo ang luha ko habang
paulit-ulit kong pinapanood ang mga video na nagkalat sa social media at mga
larawang kahabag-habag na diko akalaing ganun katindi ang nangyari. Ako ay
nagpapasalamat at hindi sa lugar namin tumama ang bagyo ( Central Luzon ) at sa
mga kababayan kong naapektuhan na nawalan ng matitirhan,walang maisuot o makain
and worst nawalan ng mahal sa buhay. Ako po ay kasama nyong Nananalangin ng
taimtim na naway maibsan ang inyong dinaramdam, takot at patuloy na maligtas
lalu na may isa pang paparating na bagyo ( Zoraida ). Sa mga taong patuloy pong
tumutulong, through cash, relief goods and clothes at sa mga volunteers Im sure
God will blessed you. At ganun din sa ibang bansang nag-extend ng tulong sa
aming bansa a bunched of gratitude from us.
At habang patuloy ang pag-click at scroll ko sa computer ay
may nabasa akong balita na sa gitna ng ganitong unos may mga ibang tao pading
sarili lang ang inisip. Mga kababayan ko kung totoo man ito “ Utang na Loob” naman huwag po sana nating ipagkait kung anong posibilidad
na maitulong natin sa kaligtasan ng kababayan natin. It is better that you
offer something when they needed it most rather giving/offering something when
they needed it less. Because it is no use at all. Di mo alam sa pagtanggi mong
yun buhay na pala ang kapalit. Minsan kasi nagpapadala tayo sa mga maling
paniniwala at minsan dahil sa mga hidden
agenda and I am no excuse for that
lahat tayo may mga intensyon. Nasa sa atin nalang kung sa mali o tamang paraan
natin gagamitin.Sa panahong tulad nito mas pairalin po sana natin ang Christ like atittude natin. Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon anu man
ang estado mo sa buhay: mayaman ka man o mahirap; kayumanggi,puti o itim man ang kulay mo; Kristyano ka man o hindi, o kahit anong sekta pa ang kinabibilangan mo
bawat isa satin ay mahalaga sa Panginoon. Panatilihin po nating magkaisa,magtulungan
at manalangin. Sikapin po nating tumulong sa kahit gaano kasimpleng paraan nang
sa gayon matulungan po natin ang ating mga kababayan na magkaroon pa ng
pag-asang makabangon sa kabila ng pangyayaring ito.
Habang nanonood ako ng balita lahat ay nagsusumamo ng donasyon
na pagkaon at medisina, nagkakagulo ang mga tao at nagkakaroon nang nakawan
dahil sa gutom. Dahil sa pagkawala ng
kuryente at komyunikasyon ang iba gustung-gustong makita at manawagan sa camera
upang makarating sa kanilang kaanak na
buhay pa sila, ngunit ang iba ay nananawagan upang maiparating na hindi
nakaligtas ang kanilang kaanak at yan ang pinaka nakakalungkot pakinggan, ako po
ay nakikiramay. Mga minamahal naming kababayan konting hintay nalang po at
makakarating na ang tulong na inyong inaasam. Ang ating gobyerno ay gumagawa na ng
paraan upang mapabilis ang paghatid ng mga donasyon mula sa ating mga kababayan at donasyon din galing sa ibang bansa ( sana lang po hindi na mabawasan ). Wag po sana kayong sumuko at mawalan ng pag-asa.
Yan ang tunay na Pinoy. At taas noo ko pading sasabihin na “ako
ay isang Pinoy”.
Watch this-------> https://www.facebook.com/photo.php?v=498162873631364
No comments:
Post a Comment