I Believed. I Trust and I Love.

.

Monday, November 11, 2013

Mga Kababayan ko.

                                                             
                                                                           Photos from different media network










                                         Pray For The Philippines        

     
     In my late reaction on what happened in my homeland Philippines. A super typhoon Yolanda strikes Visayas Region in our country, at sadyang nakakalungkot  ang trahedyang nangyari lalo na sa Tacloban City. At parang automatic na tumutulo ang luha ko habang paulit-ulit kong pinapanood ang mga video na nagkalat sa social media at mga larawang kahabag-habag na diko akalaing ganun katindi ang nangyari. Ako ay nagpapasalamat at hindi sa lugar namin tumama ang bagyo ( Central Luzon ) at sa mga kababayan kong naapektuhan na nawalan ng matitirhan,walang maisuot o makain and worst nawalan ng mahal sa buhay. Ako po ay kasama nyong Nananalangin ng taimtim na naway maibsan ang inyong dinaramdam, takot at patuloy na maligtas lalu na may isa pang paparating na bagyo ( Zoraida ). Sa mga taong patuloy pong tumutulong, through cash, relief goods and clothes at sa mga volunteers Im sure God will blessed you. At ganun din sa ibang bansang nag-extend ng tulong sa aming bansa a bunched of gratitude from us.

     At habang patuloy ang pag-click at scroll ko sa computer ay may nabasa akong balita na sa gitna ng ganitong unos may mga ibang tao pading sarili lang ang inisip. Mga kababayan ko kung totoo man ito “ Utang na Loob” naman  huwag po sana nating ipagkait kung anong posibilidad na maitulong natin sa kaligtasan ng kababayan natin. It is better that you offer something when they needed it most rather giving/offering something when they needed it less. Because it is no use at all. Di mo alam sa pagtanggi mong yun buhay na pala ang kapalit. Minsan kasi nagpapadala tayo sa mga maling paniniwala  at minsan dahil sa mga hidden agenda  and I am no excuse for that lahat tayo may mga intensyon. Nasa sa atin nalang kung sa mali o tamang paraan natin gagamitin.Sa panahong tulad nito mas pairalin po sana natin ang Christ like atittude natin. Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon anu man ang estado mo sa buhay: mayaman ka man o mahirap; kayumanggi,puti o itim man ang kulay mo; Kristyano ka man o hindi,  o kahit anong sekta pa ang kinabibilangan mo bawat isa satin ay mahalaga sa Panginoon. Panatilihin po nating magkaisa,magtulungan at manalangin. Sikapin po nating tumulong sa kahit gaano kasimpleng paraan nang sa gayon matulungan po natin ang ating mga kababayan na magkaroon pa ng pag-asang makabangon sa kabila ng pangyayaring ito.

     Habang nanonood ako ng balita lahat ay nagsusumamo ng donasyon na pagkaon at medisina, nagkakagulo ang mga tao at nagkakaroon nang nakawan dahil sa gutom.  Dahil sa pagkawala ng kuryente at komyunikasyon ang iba gustung-gustong makita at manawagan sa camera upang makarating  sa kanilang kaanak na buhay pa sila, ngunit ang iba ay nananawagan upang maiparating na hindi nakaligtas ang kanilang kaanak at yan ang pinaka nakakalungkot pakinggan, ako po ay nakikiramay. Mga minamahal naming kababayan konting hintay nalang po at makakarating na ang tulong na inyong inaasam. Ang ating gobyerno ay gumagawa na ng paraan upang mapabilis ang paghatid ng mga donasyon mula sa ating mga kababayan at donasyon din galing sa ibang bansa ( sana lang po hindi na mabawasan ). Wag po sana  kayong sumuko at mawalan ng pag-asa.


Yan ang tunay na Pinoy. At taas noo ko pading sasabihin na “ako ay isang Pinoy”.